Daloy ng trapiko sa NLEX, nananatili pa ring normal ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa gaanong ramdam sa North Luzon Expressway ang bugso ng mga bakasyunistang bumibyahe pabalik ng Metro Manila.

Normal pa kasi ngayong umaga ang daloy ng mga sasakyan sa naturang Expressway.

Batay sa monitoring ng NLEX-SCTEX, as of 9am ay maluwag pa ang sitwasyon sa Balintawak, Mindanao at Bocaue Toll Plaza.

Bagamat may 200 metrong build up ng mga sasakyan sa Meycauayan Northbound Exit.

Light traffic din ang umiiral sa Candaba Viaduct Northbound at Southbound at pati na sa Tulaoc (San Simon) Northbound at Southbound at sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX.

Inaasahan naman ng pamunuan ng NLEX na simula sa weekend ay bibigat ang trapiko sa Expressway hanggang sa madaling araw ng Lunes para sa mga biyaherong magbabalik Maynila na. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us