Dating mga opisyal ng Cagayan LGU at Radio executive, nahaharap sa House contempt

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ng Joint House Committee on Public Accounts at Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang Show Cause Order laban sa mga  inimbitahang mga resource person na bigong humarap sa pagdinig ng joint hearing.

Ayon kay Public Account Committee Chair Stephen Paduano, kailangang magpaliwang ng dating Cagayan Provincial officers at  ang executives ng Bombo Radyo.

Ito na ang pang-pitong committee hearing  ukol sa umano’y vote buying at aid distribution noong May 2022 Elections.

Kwinestyon din ng komite si  Cagayan Provincial Police Director Julio Gorospe  na bigong i-serve ang subpoena sa dalawang dating provincial officials.

Babala ni Chair Paduano, kung bigo pa rin na isilibi ang subpoena ay i-cite nila ng Contempt si Gorospe at ang Cagayan Police officers dahil sa kanilang continued failure  at undue interference.

Inatasan din ni Paduano ang Committee secretariat na kumuha ng kopya ng lahat ng kontrata at resibo sa pagitan ng Provincial government at ng Bombo Radyo.

Inatasan din ng joint committee ang Commission on Audit na magsagawa ng audit investigation  sa transaction na ipinasok ng  provincinal government sa  local radio station.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us