Dating Sen. Leila de Lima, malayang makipagtulungan sa ICC kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon ayon kay SolGen Guevarra

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na malaya si dating Senadora Leila de Lima na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng gagawin nitong imbestigasyon tungkol sa ipinatupad na war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Sa panayam kay Guevarra sa Senado matapos isara ang debate tungkol sa kanilang 2024 budget, sinabi nitong dahil isa nang pribadong indibidwal ngayon si De Lima ay walang pumipigil ditong asistehan ang ICC sa kanilang imbestigasyon.

Sa kabila nito, binigyang diin pa rin ni Guevarra ang paninindigan ng gobyerno ng Pilipinas na walang hurisdiksyon sa ating bansa ang ICC kaya wala itong maaasahang tulong mula sa ating pamahalaan.

Matatandaang una nang kumalas ang Pilipinas sa ICC at naging epektibo ito noong March 2019.

Iginiit ng SolGen na ang pagpapahintulot sa ICC na magsagawa ng imbestigasyon dito sa bansa ay katumbas ng pag-amin na hindi gumagana ang legal system sa Pilipinas.

Bagay na magiging sampal aniya sa ating judicial system.

Binigyang diin naman ng SolGen na ang posisyong ito ng pamahalaan ay hindi para lang protektahan ang sinumang indibidwal mula sa ICC investigation. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us