Deadline para sa pagkuha ng unclaimed UMID cards, itinakda sa Disyembre 29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan lamang ng Social Security System ng hanggang Disyembre 29 ngayong taon ang mga miyembro na kunin ang kanilang ‘unclaimed Multi-Purpose Identification (UMID) cards’.

Partikular na tinukoy ng SSS ang mga miyembro na nag-apply sa pagitan ng Agosto 2017 hanggang Disyembre 2020.

Pagkatapos ng deadline, ang mga unclaimed card, kabilang ang mga ibinalik ng Philippine Postal Corporation sa SSS na bigong maihatid ng dalawang beses ay itatapon batay sa SSS retention policy.

Kaugnay nito, pinayuhan ang mga member na mag log-in sa My.SSS Portal account at www.sss.gov.ph para malaman ang status ng kanilang UMID card application.

Pinayuhan din sila na gawing updated ang kanilang contact information upang hindi ng mga ito makaligtaan ang mahahalagang notification mula sa SSS.

Mula Pebrero 2023, tumigil ang SSS sa pagtanggap ng application para sa regular UMID cards, pero nag-alok ng UMID ATM Pay Card na exclusive sa SSS members na mayroong existing UMID cards o pending UMID card applications. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us