Delegasyon ng China sa APPF, kakausapin nina SP Zubiri at House Speaker Martin Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pupulungin nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez ang delegasyon ng China sa 31st Asia Pacific pParliamentary Forum (APPF).

Ayon kay Zubiri, tatalakayin nila sa Chinese delegation ang apela ng Pilipinas na magkaroon ng code of conduct sa South China Sea.

Layon nito na maiwasan ang mga insidente sa naturang teritoryo.

10 sa 37 resolusyon na tatalakayin sa APPF ang may kinalaman sa political and security matters.

Kabilang dito ang draft resolution ng Indonesia na may kinalaman sa Maritime Security kung saan nakasaad ang pangangailangan ng mga APPF member parliaments na isulong ang pagsuporta sa international laws partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS gayundin ang commitment na mapadali ang negosasyon para sa Code of Conduct sa South China Sea.

Gayunpaman, giniit ni Zubiri na titiyakin nilang ang bubuuing resolusyon kaugnay nito ay magkakaroon ng diplomatikong tono na magiging katanggap-tanggap para sa lahat.

Binigyang diin ng senate leader na bilang host ng international forum na ito ay mahalaga pa ring pakitaan ng diplomasya at ‘welcoming attitude’ ang China. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us