DepEd, ‘di na rin igigiit ang hiling nilang confidential fund para sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na rin igigiit ng Department of Education (DepEd) ang hinihiling nilang P150 million na confidential fund para sa susunod na taon.

Sa budget deliberation ng Senado, binasa ng sponsor ng panukalang 2024 budget ng DepEd na si Senator Pia Cayetano ang opisyal na pahayag ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte tungkol dito.

Nakasaad dito, na hinihiling ng ahensya na ilipat na lang ang alokasyon para sa CIF sa National Recovery program.

Ito ay dahil sa inaasahang hindi magandang resulta ng 2022 PISA na lalabas ngayong Disyembre.

Gayunpaman, sinabi ni Cayetano na sa programang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) ni-realign ng Kamara ang P150 million na para sana sa confidential fund ng ahensya, bagay na in-adopt ng Senate panel.

Nasa P718 billion ang panukalang 2024 ng DepEd sa ilalim ng bersyon ng Senate Committee on Finance. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us