DepEd, hindi magkakansela ng klase sa kabila ng banta ng transport strike ng Piston

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na walang kanselasyon ng klase sa Lunes sa kabila ng bantang transport strike ng Piston.

Sa abiso ng DepEd, ipinaubaya na lang nito sa mga local government units kung magdedeklara o hindi ng suspensyon ng klase sa kani-kanilang lugar pero hindi dapat maabala ang pagdaos ng klase sa mga paaralan.

Banta umano ng Piston jeepney transport na magsagawa ng tatlong araw na transport strike simula sa Lunes Nobyembre 20 hanggang 22, araw ng Miyerkules.

Sinabi ng Piston na sa Metro Manila, 40 na ruta ang posibleng maapektuhan ng tigil pasada.

Kabilang dito ang Monumento, Baclaran, Katipunan, Novaliches, at Commonwealth. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us