DepEd, nagpasalamat sa Comelec dahil sa hindi pagsampa ng kaso sa mga guro na umatras sa kanilang tungkulin sa katatapos na BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Department of Education (DepEd) pahayag ng Commission on Elections na hindi na nito itutuloy ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga guro na umatras sa kanilang tungkulin bilang Electoral Board sa nakalipas na 2023 Barangay and SK Elections (BSKE).

Nais ng DepEd na magpasalamat sa Komisyon sa pagkilala sa iba’t ibang banta na kanilang kinaharap sa panahong ito.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nanindigan din ang DepEd sa Comelec sa kanyang desisyon na kasuhan ang mga nanakot, nang-harass, at nagbanta sa mga guro. 

Ang ganitong mga pagkilos ng karahasan at pamimilit ay hindi lamang nagdudulot ng panganib sa kaligtasan at seguridad ng mga guro kung hindi nagpapahina rin sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod at dapat lang silang panagutin.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang Bise Presidente at kalihim ng Edukasyon sa mga guro sa pampublikong paaralan sa kanilang magiting na paglilingkod at makabuluhang kontribusyon sa maayos na pagsasagawa ng Barangay at SK Elections. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us