Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang obligasyon ang Pilipinas na magpaalam sa bansang China bago maglayag sa West Philippine Sea (WPS) dahil ito ay nakapaloob sa teritoyo ng Pilipinas.
Ito ang naging pahayag ng DFA matapos magpahayag ang Chinese Liberation Army na kinakailangang humingi muna ng permiso ang ating bansa bago tumungo sa Bajo De Masinloc.
Ayon sa DFA, ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ay nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng bansa kaya walang batayan para magpaalam ang ating bansa sa China.
Samantala, muli namang iginiit ng DFA na bahagi ng ating bansa ang Bajo de Masinloc at nakapaloob ito sa EEZ ng Pilipinas. Nakasuporta ito sa pagpapatrol ng ating hukbo sa West Philippine Sea. | ulat ni AJ Ignacio