DFA, muling siniguro ang kaligtasan ng 17 Filipino seafarers matapos ma-hostage ng Houthi rebels

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling siniguro ng Department of Foreign Affairs ang kaligtasan ng 17 seafarers na na-hostage ng Houthi rebels sa Yemen.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, buhay pa ang mga Pinoy seafarers na na-hostage ng naturang grupo kamakailan.

Dagdag pa ni De Vega, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang intel sa sitwasyon ng Pinoy seafarers.

Muli namang siniguro ni de Vega na ‘on top of the situation’ ang DFA katuwang ang Department of Migrant Workers sa developments sa kanilang sitwasyon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us