Iniutos na ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa mga Regional Offices (ROs) ang agarang paghahatid ng financial assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao kamakailan.
Sa isang panayam, sinabi ni DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango na pinagana na ng ahensya ang kanilang regional shelter clusters noong nakaraang linggo.
Bukod sa paghahatid ng shelter-grade tarpaulins, pinaaasikaso na rin ni Secretary Acuzar sa mga regional directors ang financial aid lalo sa mga pamilyang napinsala ang tahanan.
Sa ilalim ng Rental Subsidy and Financial Assistance Program, maaaring tumanggap ang mga benepisyaryo ng hanggang P10,000 na cash aid.
Sa ngayon, minamadali na aniya ng DHSUD ang pagproseso sa requirements at ugnayan sa LGUs para sa agarang paglalabas ng subsidya.
Sa tala ng ahensya, mayroong 673 kabahayan ang lubos na napinsala ng M6.8 na lindol sa Region 11 at 12.
“The recent calamities further push us to work harder to provide safe, decent and affordable housing units across the country through the 4PH program. We are motivated now, more than ever, to help relocate families living in danger zones to mitigate the effects of disasters. We see to it that we put them on top priority as every Filipino family deserves to live in resilient and sustainable communities.” | ulat ni Merry Ann Bastasa