Ilulunsad na sa lungsod Quezon ang “Sophia, the Chatbot” bilang bahagi ng pagpapaigting sa kampanya kontra karahasan sa kababaihan.
Ito ay isang digital chatbot na aalalay sa mga survivor ng karahasan, partikular sa pag-iipon ng mga ebidensya ng pang-aabuso. Nakatala rin dito ang mga karapatan at batas na magpo-protekta sa kanila.
Ayon sa QC LGU, makikita rin sa chatbot ang mga lugar sa Quezon City kung saan maaaring mag-report o mag-sumbong ang mga naaabuso.
Dagdag pa rito, maaaring i-save online o sa sariling account ang mga ebidensya ng mga karanasan nang hindi nakikita sa history ng mga cellphone.
Pinapayuhan ang mga biktima na huwag mahiya at matakot lumapit sa Quezon City Gender and Development Council kung nangangailangan ng tulong. | ulat ni Rey Ferrer