DILG at SEC, nagkasundong paigtingin ang kampanya vs. investment scam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinalawak pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pakikipag-partner nito para malabanan ang mga panloloko online gaya ng mga scam.

Pinangunahan ni DILG Secretary Benhur Abalos at Securities and Exchange Commission (SEC) Chairperson Emilio Aquino ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement para suportahan ang kampanya ng SEC kontra financial scams, partikular ang Anti-Scam and Illegal Taking of Investments Group (ASTIG).

Ayon kay Sec. Abalos, napapanahon ang pagtulungan ng dalawang ahensya lalo’t tumataas ang kaso ng mga nabibiktima ng investment frauds sa bansa.

Katunayan, sa datos mula sa PNP-Anti Cybercrime Group, umaabot na sa ₱155-million ang nananakaw na pera ng mga scam artist sa kanilang pambibiktima.

Ayon pa sa kalihim, nasa 8,000 na rin ang mga nabiktima ng iba’t ibang scam gaya ng investment scam sa bansa mula nitong Enero hanggang Agosto ng taong ito.

Sa ilalim ng kasunduan, magtutulungan ang DILG at SEC para mapalawak ang kaalaman ng publiko sa naturang usapin at maiwasan silang ma-trap sa mga investment scams.

Kasama rito ang early reporting at detection ng anumang illegal financial schemes.

“I am confident that the DILG, as purveyor of excellence in local governance, will be a key driving force to the network’s greater success,” pahayag ni Aquino. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us