DILG, pinakilos na ang mga Local Price Coordinating Council ngayong Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang lahat ng Local Chief Executives sa buong bansa na bumuo ng kanilang Local Price Coordinating Council (LPCC) ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Abalos na kailangang masubaybayan at matutukan ang suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang Noche Buena items.

Tungkulin ng mga LPCC na protektahan ang kapakanan at interes ng mga mamimili at bantayan ang labis at hindi makatwirang pagtaas ng presyo.

Katuwang ang Department of Trade and Industry, Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagtiyak na dapat walang magsasamantala.

Ngayon pa lang nagbabala na si Abalos sa mga indibidwal at pamilihan na nagbabalak lumabag sa mga alituntunin ng pamahalaan.

Kailangan nilang sumunod sa suggested retail price (SRP) ng mga produkto na itinalaga ng DTI. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us