DMW, ikinalugod ang pagpapalaya ng Hamas sa OFW na si Noralin Babadilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tuluyang pagpapalaya ng grupong Hamas sa Overseas Filipino Worker na si Noralin Babadilla.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at sa DFA.

Nagpasalamat din si Cacdac sa lahat ng foreign government na tumulong sa ganap na pagpapalaya kay Babadilla.

Kaugnay nito ay inatasan na aniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang whole-of-government team upang mabigyan ito ng kainakailangang tulong at suporta kapag bumalik na si Babadilla sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng DMW na patuloy itong magbibigay ng tulong sa mga OFW at pamilya nito na nais na umuwi at bumalik sa bansa at makasama ang kanilang pamilya.

Nanawagan din si Cacdac ng panalangin para sa mapayapang resolusyon at tuluyan nang mahinto ang kaguluhan sa Israel. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us