DMW, nagbukas ng Helpline para sa mga OFW na may hindi nabayarang sahod ng kanilang Saudi employers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinoproseso na ng pamahalaan ng Saudi ang mga hindi nabayarang sahod ng nasa 10,000 overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho noong 2015 at 2016.

Ito ay matapos na magdeklara ng bankruptcy sa nasabing taon ang Riyadh-based construction firms na kanilang pinapasukan.

Kaugnay nito ay nagbukas naman ng Helpline ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa Saudi OFW claimants.

Ayon sa abiso ng DMW, maaaring mag-email ang mga claimant [email protected] o hindi kaya ay tumawag at mag-message sa kanilang Viber at WhatsApp sa numero bilang 0920-517-1059 para sa kanilang katanungan.

Matatandaang naglaan ng 2 billion Saudi Riyals ang pamahalaan ng Saudi para sa claims ng mga apektadong OFW.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us