DND, nilinaw na wala pang peace talks sa CPP-NPA-NDF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang gumugulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Ito ang nilinaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Leadership Summit 2023 sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Teodoro, tanging exploratory talks pa lamang ang nangyayari sa magkabilang panig.

Dahil dito, magpapatuloy ang law enforcement operations ng AFP laban sa CPP-NPA-NDF.

Patuloy na tutugisin ng tropa ng gobyerno ang mga armadong grupo na banta sa katahimikan at seguridad ng bansa.

Nabatid na planong tapusin ng militar ang communist armed conflict ngayong taon.

Habang inanunsyo ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na hindi niya irerekomenda ang Suspension of Military Operations (SOMO) sa CPP-NPA-NDF ngayong Kapaskuhan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us