DND Sec. Teodoro at US Defense Sec. Austin, nagpulong sa Jakarta

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa kinondena ni Department of National Defense (DND) Secratary Gilbert Teodoro at US Defense Secretary Lloyd Austin ang patuloy na pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas at eroplano ng Estados Unidos na lehitimong nag-o-operate sa West Philippine Sea.

Ito’y sa pag-uusap ng dalawang opisyal sa “sidelines” ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Defense Ministers’ Meeting – Plus kahapon sa Jakarta, Indonesia.

Dito’y natalakay ni Sec. Teodoro at Sec. Austin ang kahalagahan ng pagtataguyod ng karapatan ng mga bansa na lumipad, maglayag at mag-operate ng responsable saan man na pinahihintulutan ng international law.

Sa gitna ng pagpapahayag ng pagkabahala ng dumaraming dayuhang gobyerno sa pangha-harass ng China, nanawagan ang dalawang opisyal sa China na sumunod sa international law.

Muli namang tiniyak ni Sec. Austin ang commitment ni US President Joe Biden na tumindig sa tabi ng Pilipinas sa pagtatanggol ng sovereign rights at hurisdiksyon sa kanyang Exclusive Economic Zone. | ulat ni Leo Sarne

📸: US Embassy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us