DOE, walang inaasahang brownout sa 2024; paggamit ng nuclear energy sa bansa, patuloy na isusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang inaasahang brownout ang Department of Energy sa buong Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na taon.

Ginawa ng DOE ang pahayag sa pamamagitan ng sponsor ng panukalang 2024 budget nila na si Senador Sherwin Gatchalian sa naging plenary budget deliberations kagabi.

Iprinesenta ni Gatchalian ang graph ng DOE na nagpapakitang walang inaasahang yellow o red alert sa Luzon, vVisayas at Mindanao sa 2024.

Samantala, sinabi rin ng DOE na ipagpapatuloy ng Marcos Administration ang pagbuhay sa paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas.

Ayon kay Gatchalian, umiiral pa rin ang Executive Order 164 tungkol sa nuclear energy na inilabas noon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, sinabi ng senador na may binubuo nang roadmap para sa nuclear energy program.

Inaasahang makukumpleto ang roadmap sa Disyembre ng taong ito.

Tinapos na ang interpellation para sa panukalang 2024 budget ng DOE at sinumite na ito para sa plenary approval. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us