Hinikayat ng Department of Finance (DOF) ang sambayanan na makiisa at subaybayan ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang biyahe sa Amerika.
Ayon sa DOF, kaisa sila ng mga Pilipino na sumusuporta sa Punong Ehekutibo sa kanyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit 2023 sa San Francisco, California at sa working visit nito sa Los Angeles at Hawaii.
Kasabay ng APEC Leader’s Summit, muling haharap ang economic ng team ng PIlipinas sa foreign business group sa San Franciso upang talakayin ang Philippine economic development.
Ito ay pangungunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno, kung saan kanyang ibabahagi sa international stage ang growth prospect ng bansa, economic outlook, at investment opportunities.
Ang economic briefing sa Amerika ay pagkakataon na makapulong ni Pangulong Marcos Jr. at ng kanyang economic managers ang mga top US companies, business leaders, bankers, at investors.
Ang economic briefing ay naka-livestream sa official Facebook pages ng DOF, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), at Philippine Consulate General in San Francisco. | ulat ni Melany Valdoz Reyes