DOH, nagbabala sa pekeng Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa isang Facebook post, nagpahayag ang Department of Health (DOH) ng babala sa publiko hinggil sa isang Facebook page na gumagamit ng pangalan ng ahensya.

Ayon sa DOH, ginagamit ng FB page na “DOH Hotnews” ang kaparehong pangalan at logo upang gayahin ang departamento.

Ang nasabing page, diin ng DOH, ay peke, at hindi sa anumang paraan ay kaugnay ng Health Department.

Dagdag pa ng DOH, anumang post at anunsyo na kaugnay ng kanilang ahensya ay maaring bisitahin sa anumang opisyal na website o social media nila na maaring mahanap sa @DOHgovPH sa X, sa www.doh.gov.ph o makipag-ugnayan sa kanilang numero bilang 02-894-COVID o sa hotline number 1555. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us