DOH, nagbukas na ng mga hotline para tumulong sa mga tao na nais ng umiwas sa alak at sigarilyo 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Department of Health ang pagtanggap sa mga tawag sa telepono upang tumulong sa mga tao na nais ng umiwas sa bisyo tulad ng alak at sigarilyo. 

Ang mga Hotlines ay ginawa ng DOH upang direktang makapagbigay ng gabay sa kalusugan ang kanilang mga doktor, 24/7.

Tumawag sa 1550 para DOH Substance Abuse Helpline o sa 1558 para sa DOH quit line. 

Muling nagpaaalala ang Kagawaran, walang maibibigay na magandang dulot ang nasabing mga bisyo kundi pagka sira ng kalusugan. 

Kabilang sa mga sakit na dala ng alak at sigarilyo ay ang hypertension, liver disease, digestive problems, road problems at tumataas na tsansa na gumamit ng illegal na droga kapag umiinom ng alak. 

Sabi ng DOH, wala pang tao ang nanalo dahil sa paggamit ng mga nasabing bisyo. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us