DOH nagpaabot ng pakikiramay sa namayapang USec at dating PNP Chief Cascolan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ng Department of Health (DOH) ang mensahe nito ng pakikiramay para sa namayapa nitong Undersecretary at dating PNP Chief Camilo Pancratius Cascolan.

Sa mensahe ng DOH, ibinahagi nito ang kanilang pamamaalam at pasasalamat at ang pananatili ng mga masasayang alaala ng isang pinuno, ama, at kaibigan sa lahat ng nakadaupang palad ni Usec. Cascolan.

Si Cascolan ay nagsisilbing Undersecretary of Health sa Field Implementation and Coordination Team – Visayas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Bago ito, mas kilala si Usec. Cascolan bilang dating PNP Chief sa ilalim ng nakalipas na administrasyon at isa sa mga nasa likod ng “Oplan Double Barrel” kung saan naman naka-angkla ang “Oplan Tokhang” sa War on Drugs na ipinatupad sa panahon ng kaniyang mistah na si Sen. Ronald Bato dela Rosa.

Sa post ng anak nito na si Jiro sa Facebook, sinabing binawian ng buhay ang dating PNP chief dakong 5:28 p.m. nitong Biyernes, November 24, 2023, habang kapiling ang kaniyang pamilya.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us