Kumukuha na ng impormasyon ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) kaugnay sa napaulat na umano’y pagdami ng mga tinatamaan ng respiratory disease sa Northern China.
Nais malaman ng DOH kung ano ang kasalukuyang estado ng naturang sakit upang makapagsagawa ng kaukulang hakbang ang Pilipinas.
Sa ngayon, inamin ng DOH na may pagtaas sa pakikipag-ugnayan sa International Health Regulations National Focal Point ng China, para sa karagdagang impormasyon ng nasabing sakit.
Dito sa Pilipinas, nakitaan na rin ng Bureau of Epidemiology ang pagtaas ang kaso ng influenza like illness.
Kaya naman, nagpaalala sila sa publiko na maging responsable sa tamang pag-ubo, mag suot ng face mask para sa mga may sakit, mag-isolate at magpabakuna. | ulat ni Michael Rogas