DOTr, tiniyak sa Prime Minister ng Japan na nananatiling on track for completion ang rail expansion ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Rail Sector ng Pilipinas kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida, na nasa landas pa rin para sa completion ang progreso ng railway expansion sa bansa.

 Sa isang pahayag, pinuri ni Transportation Secretary Jaime Bautista si PM Kishida.

Tinawag ni Secretary Bautista, si PM Kishida na isang walang pagod na cheerleader para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Ang rail sector ng Pilipinas ay nakatanggap ng bilyon-bilyong piso mula sa Japanese aid. 

Bago pa naging Punong Ministro si PM Kishida, naging instrumento ito sa funneling ng Japanese assistance sa ambitious rail expansion ng bansa.

Humigit-kumulang siyam na malalaking -ticket transport projects sa bansa ang itinatayo na pinopondohan ng JPY 1.315 trilyong halaga ng Japanese aid.

Kabilang dito ang limang rail projects na LRT Line 1 Cavite Extension, LRT Line 2 East Extension, MRT Line 3 Rehabilitation and Maintenance, North-South Commuter Rail System at Metro Manila Subway Project.

Kaugnay nito nakatakdang bisitahin ni Prime Minister Kishida ang subway project depot at ang train simulator room nito na matatagpuan sa Valenzuela City ngayong araw. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us