Driver ng SUV sa viral road rage video sa Mandaluyong City, nahaharap sa patong-patong na kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ngayon ng Mandaluyong City Police Office ang driver ng SUV na tampok sa pinakabagong insidente ng road rage sa Mandaluyong City na nag-viral sa social media.

Ito ang kinumpirma ng Eastern Police District (EPD) matapos matunton at arestuhin ng Pulisya ang SUV driver na nakilalang si Pedro Magalit.

Ayon kay EPD Director, Police Brigadier General Wilson Asueta, inihahanda na ang kaso laban kay Magalit matapos makita sa viral video ang sadyang pagbangga nito sa motorcycle taxi na nagresulta sa pagkasugat ng driver at pasahero nito.

Magugunitang nangyari ang insidente kahapon ng umaga habang binabaybay ng motorcycle taxi na Angkas ang southbound lane ng EDSA-Santolan sa Mandaluyong City nang bigla itong banggain ng kulay orange na SUV na may plakang NEM 7804.

Una nang nag-alok ng pabuya ang ride hailing company na Angkas sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Magalit na kalauna’y nahuli na ng Pulisya.

Maliban sa mga Pulis, maghahain din ng kaso ang Angkas dahil sa ginawa ng SUV driver sa kanilang tauhan na marangal lamang na nagtatrabaho.

Nakalabas na ng Mandaluyong City Hospital ang motorcycle taxi driver habang naka-confine pa sa hiwalay na ospital sa Pasig City ang babaeng pasahero nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us