Drug enforcement operatives sa kwestyonableng drug raid, arestado ng IMEG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa magkahiwalay na operasyon ang isang na-dismiss at isang aktibong pulis kaugnay ng kwestyonableng drug raid sa Imus Cavite na nag-viral noong mga nakaraang buwan.

Kinilala ni IMEG Director Police Brigadier General Warren de Leon ang mga arestado na sina: dating PCpl Jenerald Cadiang, 33, residente ng Noveleta, Cavite at PSMS Daisy Diones, 43, na kasalukuyang naka-assign sa General Service Office ng Cavite Provincial Police Office.

Inaresto ang dalawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Robbery na may piyansang tig-₱120,000.

Nag-ugat ang kaso sa pagransak umano ng mga akusado at ng iba pang mga pulis sa bahay ng isang dating propesor sa Imus, Cavite na pinalabas bilang buy-bust operation, noong Agosto.

Nakita sa CCTV footage ang pagkuha umano ng mga pulis ng iba’t ibang mga gamit tulad ng mga gulong ng motorsiklo.

Ang dalawang akusado ay dinala sa Imus City Police Station; habang ang mga iba pang miyembro ng Police team na sangkot sa naturang operasyon ay kasalukuyang subject ng manhunt operation. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us