Nakapag-abot na ng food at non-food items ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa mga residente ng bayan ng Uson sa Masbate at bayan ng Vinzons sa Camarines Sur na apektado ng matinding pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa shear line.
Nasa 104 family food packs, 100 piraso ng malong at 100 kumot ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya at pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center sa Barangay Magsaysay at Buenavista sa bayan ng Uson, Masbate.
Tumanggap naman ng 1,667 family food packs mula sa DSWD Bicol ang mga residente ng coastal barangay ng Sula at Sabang sa bayan ng Vinzons, Camarines Sur.
Sa pinakahuling tala ng Office of the Civil Defense Bicol, umabot na sa 24,308 na pamilya o katumbas ng 92,626 indibidwal ang apektado ng patuloy na nararanasang epekto ng shearline sa iba’t ibang probinsya at lalawigan ng Rehiyong Bicol. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay
Photos: DSWD