Nakatanggap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas ng iba’t ibang disaster response equipment mula sa United Nations World Food Program (WFP).
Aabot sa mahigit sa P8.9 milyon ang kabuuang halaga nito na ibinahagi upang matiyak ang mas madali at mahusay na pamamahagi ng mga emergency relief supply sa rehiyon.
Kabilang sa mga ibinigay ang rice milling machine, reach truck, automatic box sealer machine, vacuum sealing machine, automatic roller conveyor, hydraulic hand pallet trucks, high volume low speed ceiling fan, generator set, plastic pallets, tower light with genset, aluminum boat with 40 HP engine, at trailer for aluminum boat.
Pormal na idinaos ang ceremonial turnover nito sa regional warehouse ng ahensya sa Palo, Leyte noong Nobyembre 8 kasabay ng paggunita sa ikasampung anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa. | ulat Ria Micate | RP1 Sogod