DSWD, nagsagawa ng field visit sa ilang benepisyaryo ng 4Ps sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ng mga kinatawan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) NCR Regional Independent Monitoring Committee (RIMC) ang ilang benepisyaryo ng 4Ps sa mga Taguig at Pasay sa Metro Manila.

Layunin ng field visit na i-monitor at tingnan ang implementasyon ng programa kabilang ang edukasyon, kalusugan, relasyong pang-pamilya at iba pang mga serbisyo para sa 4Ps.

Ayon sa DSWD, ilan sa mga benepsiyaryong sumailalim sa field visit ay mula sa Level 1 o mga benepisyaryong mahirap ang pamumuhay batay sa pinakahuling resulta ng kanilang social welfare development indicator o SWDI.

Gagamitin naman ng DSWD ang mga nakalap na impormasyon sa field visit para maisaayos at mapagtibay pa ang mga programa at serbisyo nito sa Metro Manila.

Una nang inanunsyo ng DSWD ang pagpapatuloy ng payout ng cash grants sa may 761,140 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, simula sa Nobyembre 30. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us