Muling nagkasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng reach-out operations sa ilalim ng Oplan Pag-Abot.
Nitong Huwebes, nag-ikot naman sa Las Piñas City ang mga social worker ng DSWD para hanapin ang mga mga kabataan, mga indibidwal, at mga pamilyang nasa lansangan.
Tatagal ang operasyon sa loob ng 24-oras o hanggang ngayong Biyernes, November 17.
Ayon sa DSWD, ang mga natutukoy na Individuals in Street Situation ay dinadala sa processing center sa Talon Dos, Lagman Covered Court para sa initial assessment.
Dito, inaalam ang tulong na maaaring maipaabot ng pamahalaan sa kanila.
Una nang iniulat ng DSWD na umabot na sa higit 1,200 na Individuals in Street Stituations sa Metro Manila ang naabot na ng tulong ng kagawaran. | ulat ni Merry Ann Bastasa