DSWD, nilinaw na walang backlog sa pagbabayad ng social pension sa mahihirap na senior citizens

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang backlog ang ahensya sa pamamahagi ng P500 monthly social pension para sa mga mahihirap na senior citizens.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nasa mahigit 4.1 milyong indigent seniors ang “on time” na nabayaran ng social pension.

Gayunman, may 466,000 indigent senior citizens ang nasa waitlist dahil nangangailangan ng karagdagang pondo bago maisama sa programa.

Paliwanag pa ni Lopez, na baka ang tinutukoy na backlog ni Senator Sonny Angara sa kanyang budget hearing ay ang 466,000 waitlisted senior citizens na hindi pa sakop ng programa.

Sa ngayon aniya, ang pondong nakalaan para sa social pension program ngayong 2023 ay para lamang sa mahigit 4.1 million senior citizens na tumatanggap ng P500 buwanang kabayaran.

Binigyang-diin ni Lopez na sa bilang na ito, nasa 93,000 senior citizens lamang ang tinanggal sa listahan dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng pagkamatay ng benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us