DSWD, pansamantalang sususpendihin ang pag-iisyu ng AICS Guarantee Letter sa Disyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pansamantalang ititigil nito ang pagbibigay ng Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ito ay mula December 7 hanggang December 31, 2023 na ipatutupad sa lahat ng tanggapan ng DSWD sa buong bansa.

Paliwanag ng DSWD, ang hakbang ay para magbigay ng sapat na oras sa pag-aasikaso ng mga kinakailangang dokumento para mabayaran ang mga service providers sa mga naiabot nang tulong sa mga kliyenteng nakalapit na sa kanilang mga opisina sa pamamagitan ng Guarantee Letter.

Bahagi aniya ito ng annual liquidation para sa taunang fiscal obligation alinsunod sa utos ng Department of Budget and Management at ng batas.

Upang hindi naman mahinto ang tulong na ibinibigay ng DSWD, patuloy pa rin aniya itong mamamahagi ng outright cash assistance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us