DSWD, umapela sa publiko na isumbong ang anumang kaso ng karahasan sa mga kabataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan sa publiko ang Department of Social Welfare and Development na agad i-report sa mga awtoridad o pinakamalapit na tanggapan ng gobyerno sakaling makasaksi ng kaso ng karahasan sa mga kabataan.

Binigyang diin ng DSWD ang seryosong usapin sa mga batang inaabuso at dapat itong ipagbigay-alam sa kinauukulan.

Maaari ring tumawag sa Makabata Helpline 1383 na binuo ng Council for Welfare of Children, isang attached agency ng DSWD na tutugon para sa mga nais magreklamo o magsumbong sa mga batang nakakaranas ng karahasan.

Layon ng hakbang na alamin ang sitwasyon, maibigay ang agarang tugon, pagsubaybay at feedback sa pamamagitan ng pagtawag, e-mail, pag-post sa iba’t ibang social media platform para sa karapatan ng mga bata.

Hinihikayat ng DSWD ang lahat na makiisa sa pagprotekta sa mga kabataan laban sa lahat ng uri ng karahasan at paglabag karapatan ng mga bata. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us