DTI, handa na sa gaganaping Cashless Expo 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Department of Trade and Industry para sa gaganaping Cashless Expo 2023 bukas, November 17 hanggang November 19 sa World Trade Center sa Pasay City.

Layon ng naturang Cashless Expo 2023 na pataasin ang paggamit ng digital payment at hikayatin ang mga mamimili na gumamit ng cashless na pambayad sa buong bansa.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, mahalaga ang misyon ng kagawaran na isulong ang mga benepisyo sa paggamit ng digital payment partikular sa mga Micro, Small and medium enterprises.

Kasunod ito pormal na pinirmahan ng DTI ang memorandum of agreement at E- commerce division kasama na rin ang Pilipinas movement incorporated.

Samantala, binigyang diin din ng ahensya na ang cashless transaction ay magpapaunlad para hikayatin ang mga MSME na maging globaly competitive gamit ang digital payment sa lahat ng industriya. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us