Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga nagbebenta ng mga substandard na Christmas lights at mga dekorasyong pampasko na dekuryente.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, may mga tauhan na silang umiikot sa iba’t ibang pamilihan sa bansa para isagawa ang inspeksyon.
Ang mga nakitaan ng mga paglabag ay kanilang kinukumpsika ang mga bentang substandard na Christmas lights at binibigyan ng notice of violation ang mga may-ari ng mga tindahan.
Dagdag pa ng kalihim, isa sa mga sanhi ng sunog ay ang paggamit ng mga substandard na mga pailaw. | ulat ni AJ Ignacio