DTI, matagumpay na naisagawa ang investment roadshow sa Osaka Japan; Pagpapatibay sa economic ties ng 2 bansa, mas pinaigting pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naisagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang investment roadshow sa bansang Japan at ang pagpapalakas ng economic ties ng dalawang bansa.

Ayon kay Philippine Trade and Investment Center Commercial Councelor Micheal Alfred Ignacio, kabilang sa mga matagumpay na partnerships mula sa Japan ay mula sa sektor ng freeports at economic zones manufacturing, at infrastructure development ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Ignacio, na inaasahan na ang pag pasok ng mga naturang mga partnership at investment sa ating bansa sa mga susunod na taon.

Sa huli, positibo naman ang PTIC na magiging makabuluhan ang mga nangyari sa naturang road show dahil sa magandang outcome ng naturang event sa Japan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us