Nakipagpulong si Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual sa kumpanyang Mastercard para mas mapalakas pa ang digital payment platforms sa bansa.
Sa naturang pagpupulong sinabi ng kalihim na target na nitong maabot ang 50% na digital retail transactions sa bansa para mas maging convenient sa mga mamimili.
Ayon naman kay Mastercard General Counsel and Head of Global Public Policy Rob Beard na nakahanda ang kanilang kumpanya sa pagnanais ng Pilipinas na mas mapalakas pa ang pagsusulong ng digital payment transactions sa bansa.
Sa huli nagpasalamat naman si Secretary Pascual sa patuloy na pag-agapay ng master card sa Pilipinas lalo na sa pagsusulong ng digital payments sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio