DTI Sec. Pascual, nilagdaan ang IRR ng One Town, One Product para sa pasuporta sa local products ng iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng One Town, One Product na ganap nang naging batas na naglalayong mas bigyang prayoridad ang mga produkto ng bawat bayan at lungsod sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ito’y upang mapatibay ang naturang batas nitong Agosto at masuportahan din ang mga Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMEs) upang mas makilala ang mga ipinagmamalaking produkto.

Dagdag pa ni Pascual na ito’y kabilang sa whole of government assistance ng DTI na nagpapalakas ng iba’t ibang industriya sa Pilipinas.

Sa huli sinabi ni Pascual na inaasahang mas makikilala na ang mga ipinagmamalaking produkto ng bawati lugar, hindi lamang sa Pilipinas maging sa international market. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us