Ipinaalam na ng EcoWaste Coalition sa Marikina City Government ang iligal na bentahan ng ipinagbabawal na Goree Beauty Creams, na nagtataglay ng mataas na antas ng mercury.
Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, ang mapanganib na skin whitening cosmetics ay ipinagbawal ng Food and Drug Administration at health authorities noong 2017.
Ibinunyag ng environmental group ang tatlong tindahan sa Marikina na nagbebenta ng mga produkto na matatagpuan sa Shoe Avenue at Sumulong Highway.
Sa kabila anila ng warning, patuloy pa rin ang kanilang pagbebenta ng Pakistan-made Goree Beauty Cream with Lycopene at Goree Day & Night Beauty Cream.
Hinimok na ng Ecowaste Coalition si Mayor Marcy Teodoro, na gumawa ng action upang maprotektahan ang mga residente mula sa mapanganib na produkto.
Batay sa pag-aaral, ang banned cosmetics ay makakalikha ng kidney damage, skin problems at iba pa lalo na sa mga nagdadalantaong kababaihan. | ulat ni Rey Ferrer