Ekonomiya ng Pilipinas, inaasahang sisipa pa sa 4th quarter ng 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ngayon ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales na inaasahan niyang mas bibilis pa ang paglago ng ekonomiya sa huling quarter ng taon.

Ginawa niya ang pahayag bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Statistics Authority na lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.9% sa ikatlong quarter, mas mataas kaysa sa 4.3% noong ikalawang quarter ngunit mas mababa sa 6.4% noong unang quarter.

Aniya, kadalasang mas sumisigla ang economic activity sa huling quarter dahil sa kapaskuhan.

“The last quarter of the year is usually a growth period because of the Christmas season, when workers in both the government and private sectors receive their yearend bonuses, cash gifts and other incentives,” ani Gonzales.

Ito rin aniya ang panahon kung saan milyun-milyong mga Overseas Filipino Worker at iba pang mga Pilipino sa ibang bansa ang nagpapadala ng mas maraming pera sa kanilang mga pamilya at kamag-anak dito sa Pilipinas.

“So we can reasonably expect increased spending from our people. Business will anticipate this surge by producing more products and offering more services. We have already started seeing evidence of more economic activities during this season,” sabi pa ng mambabatas.

Aniya, bagamat ang economic growth sa unang tatlong quarter ay may average na 5.533 porsyento, na mas mababa sa minimum na target na anim na porsyento para sa buong taon, ikinalugod pa rin nito ang anunsyo ni National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan na mas mataas pa rin ang economic performance ng Pilipinas kaysa Vietnam, China, Indonesia at Malaysia.

“We can still do six% by focusing on measures that will help President BBM grow the economy further. Let’s ignore any political noise that comes our way,” pagtatapos ng Senior Deputy Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us