Embahada ng Israel sa Pilipinas, nagpahayag ng katuwaan sa tuluyang pagpapalaya ng Hamas sa OFW na si Noralin Babadilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Embahada ng Israel sa Pilipinas ang tuluyang pagpapalaya ng grupong Hamas kay Noralin “Nataly” Babadilla.

Ayon sa Embahada, si Babadilla ay kasalukuyang sumasailalim sa medical evaluation sa Tel HaShomer Hospital sa Israel upang matiyak na nasa maayos itong kalagayan.

Umaasa naman ang Embaha na ligtas na makababalik ang natitirang mahigit 150 mga indibidwal na dinukot ng Hamas, kabilang ang siyam na mga bata.

Matatandaang bumisita si Babadilla at ang kaniyang partner na si Gideon Babani sa kanilang kaibigan sa Kibbutz Nirim noong umatake ang Hamas noong October 7.

Napatay ng naturang grupo si Babani, at dinukot naman ng Hamas si Babadilla at dinala sa Gaza.

Tiniyak naman ng Embahada na bibigyan ng tulong ng pamahalaan ng Israel pati na ang pinalayang OFW na si Jimmy Pacheco katulad ng tulong na ibibigay sa lahat ng biktima na nadamay sa kaguluhan sa kanilang bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us