Embahada ng Pilipinas sa Israel, inirekomenda ang pansamantalang travel supension sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ng Philippine Embassy sa Israel ang pansamantala munang pagsuspinde ng mga biyahe sa Israel dahil pa rin sa patuloy na digmaan sa nasabing bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), naglabas muli ng isang travel advisory ang Philippine Embassy sa Israel na suspendihin muna ang lahat ng biyahe mula sa Pilipinas patungo sa Israel dahil di pa nila matiyak ang kaligtasan sa sitwasyon doon.

Kahit umano wala pang karagdagang mga Pinoy sa Israel ang humiling ng repatriation ay umaasa silang madaragdagan pa ito.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may 40 na mga Pinoy na ang nakatawid sa Rafah border at nasa maayos nang kalagayan sa Egypt.

Samantala, inanunsyo naman ng Palestinian Health Ministry na tumaas pa sa 10,328 katao ang bilang ng mga namatay mula pa noong October 7. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us