Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, inihahanda na ang bagong pasaporte, dokumento ni Jimmy Pacheco para sa pagbalik nito sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihahanda na ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang panibagong passport para sa Pinoy na si “Jimmy” Pacheco na binihag ng Hamas na kinalaunan ay pinakawalan din.

Nasira kasi ang passport ni Pacheco kasunod ng pagkakabihag sa kanya ng mga militanteng Hamas kung kaya napagdesisyunang palitan ito ng Embahada.

Kasama rin sa nawala kay Pacheco ang kanyang mga personal belongings na nasamang nasunog sa unang bugso ng pag-atake ng Hamas.

Tiniyak naman ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na, kapag natapos at naiproseso na nila ang bagong pasaporte ni Pacheco ay mas mabilis na umano itong makakauwi sa Pilipinas.

Una nang ipinangako ng pamahalaan na magpa-Pasko sa Pilipinas si Pacheco, kasunod na rin ng kanyang paglaya kasama ang 23 na ibang dayuhan noong November 24 lamang. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us