Emergency virtual operation center ng RDRRMC Bicol, activated na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni OCD 5 Information Officer Gremil Alexis Naz na activated na ang Emergency Virtual Operation Center ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council o RDRRMC Bicol, dahil sa banta ng Shear Line, at ibang weather system na maaaring pumasok sa rehiyon.

Kasama rito, ang 25 response agencies na kasama sa konseho, gaya ng 9th Infantry Division, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Tactical Operations Group o TOG 5, Department of Social Welfare and Development, Department of Public Works and Highways, Department of Education, at Department of Health. Higit sa lahat ang Science Agencies gaya ng PAGASA, PHIVOLCS at Mines and Geosciences Bureau o MGB.

Sabi niya, 24/7 ang operasyon nito, at palaging nakabukas, para maging  mas madali ang kanilang koordinasyon sa lahat na mga kinauukulan.

Tinuran pa ni Naz, magpapadala rin ng sulat ang OCD 5, sa kanilang punong tanggapan, patungkol sa suspension ng biyahe ng mga bus mula Metro Manila, patungong Bicol hanggang Visayas at Mindanao area kapagka nakataas na,  ang Typhoon Signal Number One sa Samar upang maiwasang lomobo, ang bilang ng mga matetenggang pasahero sa mga pangunahing pantalan sa rehiyon, gaya ng Matnog at Sorsogon at ibang parte ng rehiyon. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us