Environmental group na BAN Toxics, pinag-iingat ang publiko sa mga ibinebentang toxic firecrackers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong nalalapit na ang holiday season, pinayuhan ng toxic watchdog group BAN Toxics ang publiko na iwasan ang pagbili ng toxic firecrackers.

Batay sa kanilang monitoring, talamak na ang bentahan ng firecrackers na nagtataglay ng kemikal na panganib sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

Sinabi ni Thony Dizon, Toxics Campaigner,ilan lang sa mga makikitang ibenebenta sa Divisoria,

Maynila ang crackling balls, crackers, pop-pop, happy ball, dynamite, five-star, whistle bomb, at piccolo.

Ayon sa Department of Health, taglay ng mga toxic firecracker ang mga mapanganib na chemical at sangkap tulad ng cadmium, lead, magnesium, nitrates, carbon monoxide, copper, manganese dioxide, potasium, sodium, zinc oxide nitrogen at sulfur oxide.

Sa mga darating na araw ay pasisiglahin na ng Ban Toxic ang kanilang “Iwas Paputok, Iwas Disgrasya, Iwas Polusyon” campaign para sa kapakanan ng publiko. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us