ERC, binigyang halaga ang pagsusulong ng paggamit ng renewable energy sa Pilipinas sa ginanap na Mindanao Clean Energy Forum 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa katatapos na Mindanao Clean Energy Forum 2023 and Renewable Energy (RE) Congress na ginanap sa Acacia Hotel, Davao City, Davao del Sur.

Binigyang diin ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson and CEO Monalisa Dimalanta ang kahalagahan ng paggamit ng renewable energy sa bansa.

Sa mensahe ni Dimalanta, sinabi nitong positibo siyang makakamit ang target na 50% na paggamit ng renewable energy pagdating ng 2025 sa Mindanao.

Sa kabila aniya ng mga limitasyon at hamon sa pagsusulong ng renewable energy sa Pilipinas ay magsisilbi itong hamon para sa ERC.

Kaugnay nito ay nagsagawa na ng mainstreaming ang ERC sa kanilang mga plano kaugnay sa paggamit ng renewable energy.

Umaasa naman ang ERC na makakamit ang mga target pagdating ng 2050 sa tulong ng mga natalakay sa naturang pagpupulong. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us