Nanindigan ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa kanilang desisyon na hindi maaring bawiin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga konsyumer ang kanilang mga gastusin.
Kasama na rito ang advertising expenses, COVID-19 donations at bonuses ng mga empleyado ng NGCP.
Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, kung babawiin ng NGCP ang kanilang gastos ay dapat bawiin ito sa kita ng kumpanya.
Kaugnay nito, kaniyang sinabi na sakaling dalhin sa Korte Suprema ang kaso at maglabas ng restraining order ay tatalima naman sila sa kautusan.
Sa ngayon, mananatili umano ang status quo.
Pinagpapaliwanag din nila ang NGCP, sa kanilang hiling na idaan sa tinatawag na pass-on charges sa mga konsyumer o gumagamit ng kuryente. | ulat ni Diane Lear