Expired protocol plates ng mga kongresista, pinababalik na ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ng Kamara sa mga kongresista na ibalik ang mga paso o expired nang protocol plate o iyong palaka na may numero ‘8’ na inisyu sa kanila.

Sa kautusang inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco, inatasan nito ang mga kongresista na ibalik sa kaniyang tanggapan ang lahat ng ibinigay na ‘number 8’ plate noong nakaraang Kongreso, pati na ang mga peke o kahina-hinalang plaka na pag-aari nila.

Ito ay bunsod na rin ng insidente noong nakaraang linggo kung saan may nahulnig sasakyang may plakang numero 8 na gumamit o bumaybay sa EDSA bus lane.

“We hope to ensure that only sitting House Members of the 19th Congress are authorized to use the official ‘8’ plates, thus protecting the integrity of our institution.” saad sa mensahe ni Velasco sa mga mambabatas.

Paglilinaw ni Velasco na maglalabas sila ng bagong protocol plates oras na maisauli lahat ng lumang plaka.

Ngunit umaasa sila na bago mag-Pasko ay mai-release na ang bagong protocol plates.

Sa pag-iikot naman aniya ng kaniyang staff ay nakumpirma na mayroon pa ring mga gumagamit ng number 8 plate at inabisuhan na aniya ang mga kongresista na baklasin ito.

Inaasahan din na ngayong linggo ay bibisita ang MMDA at LTO sa Kamara upang personal na makita ang kampanya ng Kamara para i-recall ang lahat ng expired protocol plates. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us