Fastcraft mula Bacolod papuntang Iloilo City, nagkaproblema sa makina; Sasakyang pandagat, hinila pabalik sa Bredco Port

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaproblema sa makina ng fastcraft vessel na Weesam Express 6 mula Bacolod City na babiyahe sana papuntang Iloilo City.

Ayon kay Coast Guard Station Nothern Negros Occidental Commander Joe Luviz Mercurio, umalis ang vessel mula Bredco Port 11:30 kaninang umaga.

Makalipas ang 30 minuto nang nagkaproblema ang makina ng vessel sa gitna ng karagatan.

Karga ng Weesam Express ang 172 pasahero at 19 na crew.

Sa nangyaring engine trouble, nakipag-ugnayan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa tug boat operator sa Bacolod City para mahila pabalik ang sakayang dagat.

Sa koordinasyon ng PCG at ng tug boat operator, nahila ang vessel pabalik ng Bredco Port pasado alas tres ng hapon.

Ayon kay Commander Mercurio, all acounted na ang lahat ng pasahero at crew pero may ilang pasahero na dinala sa ospital dahil sumama ang pakiramdam sa insidente.

Sa ngayon, iniimbestigahan ng PCG ang nangyaring insidente.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us